Kasuotan?
โ
Preferência: Makabagong Filipiniana (Modern Filipiniana).
Pinapayagan: Mga semi-pormal na kasuotan sa alin man sa mga sumusunod na kulay:
beige, peach, aprikot, diláw, o kahél
โ
Pakiusap: Iwasang magsuot ng putî, itím, at berde.
Ang seremonya ay gaganapin sa isáng halamanán sa labás. Samantala, ang sálu-salo naman ay nasa loob ng North Wing. Mangyaring magbihis nang angkop sa panahón at temperatura.
Plus one?
Ang kasaláng ito ay isang maliit at payák na kaganapan kung saan ang pinakamatalik lamang namin ang maarìng dumaló.
Ikinalulungkót naming na hindî mauunlakán ang karagdagang bisita maliban sa mga paunang imbitado.
Parking?
May sapát na páradahán para sa lahat. Ang entrada ay nasa Gate 3 ng Villa.โ
Mga Regalo?
Ang inyóng pagdaló at kabutihan palad ay sapat na para sa amin. Ngunit kung nais niyo po na magbigay, ang inyóng regalong salapî ay taós-pusòng pápahalagahán.
Unplugged muna!
Pakiusap: Pakitabí muna ang mga smartphone at personál na kamera hanggang matapos ang seremonya. May mga naitalagáng propesyonál na photograher at videographer upang kunan ang kaganapang ito.